Sawikain At Salawikan

15 Questions | Total Attempts: 117

SettingsSettingsSettings
Please wait...
Sawikain At Salawikan

. Piliin ang kahulugan ng sawikain. Source: https://eskwelanaga. Files. Wordpress. Com/2011/02/mga-sawika in-at-salawikain. Pdf


Questions and Answers
  • 1. 
    Sabi ni Julia sa asawa, “Itaga mo ito sa bato. Kahit hindi nila ako tulungan, aangat ang ating kabuhayan.” Ano ang ibig sabihin ng "itaga sa bato"?
    • A. 

      Mananaga si Julia

    • B. 

      Tutuparin ni Julia nang walang sala ang kanyang sinabi

    • C. 

      Pupukpukin ni Julia ang bato

    • D. 

      Tatagain ni Julia ang bato

  • 2. 
    Kung gusto mong maglubid ng buhangin, huwag sa harap ng mga taong nakakikilala sa iyo dahil mabibisto ka nila. Ano ang ibig sabihin ng "maglubid ng buhangin"?
    • A. 

      Magsabi ng katotohanan

    • B. 

      Magsinungaling

    • C. 

      Maglaro sa buhanginan

    • D. 

      Magpatiwakal

  • 3. 
    Bakit hindi ka makasagot diyan? Para kang natuka ng ahas, a.
    • A. 

      Namumutla

    • B. 

      Nangangati ang lalamunan

    • C. 

      May ahas na nakapasok sa bahay

    • D. 

      Hindi nakakibo, nawalan ng lakas magsalita

  • 4. 
    Puro balitang kutsero ang naririnig ko sa kapitbahay nating iyan. Ayoko na tuloy maniwala sa kanya.
    • A. 

      Balitang sinabi ng kutsero

    • B. 

      Balitang wlang katotohanan

    • C. 

      Baitang makatotohanan

    • D. 

      Balitang maganda

  • 5. 
    Naghalo ang balat sa tinalupan nang malaman niya ang katotohanan.
    • A. 

      Matinding labanan o awayan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao

    • B. 

      Pinagsama-sama ang mga balat at tinalupan

    • C. 

      Nagkaigihan

    • D. 

      Nagkabati

  • 6. 
    Napauwi kaagad galing sa Estados Unidos si Ricardo dahil nabalitaan niyang ang asawa niya ay naglalaro ng apoy.
    • A. 

      Nagluluto

    • B. 

      Nagpapainit

    • C. 

      Nasunugan

    • D. 

      Nagtataksil sa kanyang asawa

  • 7. 
    Bulang-gugo si Tompet dahil anak-mayaman siya.
    • A. 

      Mata-pobre

    • B. 

      Galante; laging handang gumasta

    • C. 

      Parating wala sa bahay

    • D. 

      Laging kasapi sa lipunan

  • 8. 
    Walang magawa ang mga kapitbahay naming makakati ang dila kaya’t maraming may galit sa kanila.
    • A. 

      May sakit sa dila

    • B. 

      Daldalero o daldalera

    • C. 

      May singaw

    • D. 

      Nakagat ang dila

  • 9. 
    Napaglipasan na ng panahon si Lola Tonya at alog na ang kanyang baba.
    • A. 

      Siya ay laos na.

    • B. 

      Siya ay pabata.

    • C. 

      Siya ay matanda na.

    • D. 

      Siya ay may magalaw na baba.

  • 10. 
    Kakakakasal lamang ni DIna at Rey. Mahal na mahal ni Rey si Dina na kanyang "kapilas ng buhay".
    • A. 

      Kapatid

    • B. 

      Matalik na kaibigan

    • C. 

      Asawa

    • D. 

      Kakambal

  • 11. 
    May mga taong hindi karapat-dapat pagkatiwalaan. Sila ay mga "buwayang lubog"
    • A. 

      Singungaling

    • B. 

      Mapang-abuso

    • C. 

      Malupit

    • D. 

      Taksil sa kapwa

  • 12. 
    Kung hindi mo maibibigay ang gusto ko, mabuti pang magsaulian na lang tayo ng kandila.
    • A. 

      Magtulungan

    • B. 

      Magbigayan

    • C. 

      Magmahalan

    • D. 

      Magka-away

  • 13. 
    Ang pangulo ng aming samahan ay may "bakal na puso"
    • A. 

      Ang kanilang pangulo ay matapang.

    • B. 

      Ang kanilang pangulo ay inoperahan sa puso.

    • C. 

      Ang kanilang pangulo ay walang puso.

    • D. 

      Ang kanilang pangulo ay hinid mabuti.

  • 14. 
    Ang gagara ng suot ng mga opisyales. Hindi madapuang langaw ang kanilang mga suot.
    • A. 

      Mamahalin

    • B. 

      Sabay sa uso

    • C. 

      Malinis

    • D. 

      Moderno

  • 15. 
    Ang buhay ni Dick ay isang bukas na aklat sa kanyang mga kasamahan.
    • A. 

      Ang buhay niya ay nakasulat sa aklat

    • B. 

      Ang buhay niya ay parang aklat

    • C. 

      Ang buhay niya ay palagi niyang ikinukwento sa lahat

    • D. 

      Ang buhay niya ay alam ng lahat