Ap8 | Pagsasanay Na Pagtataya

Approved & Edited by ProProfs Editorial Team
The editorial team at ProProfs Quizzes consists of a select group of subject experts, trivia writers, and quiz masters who have authored over 10,000 quizzes taken by more than 100 million users. This team includes our in-house seasoned quiz moderators and subject matter experts. Our editorial experts, spread across the world, are rigorously trained using our comprehensive guidelines to ensure that you receive the highest quality quizzes.
Learn about Our Editorial Process
| By Kevin.olympians0
K
Kevin.olympians0
Community Contributor
Quizzes Created: 4 | Total Attempts: 3,968
Questions: 80 | Attempts: 1,420

SettingsSettingsSettings
Ap8 | Pagsasanay Na Pagtataya - Quiz


Questions and Answers
  • 1. 

    Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ay yumaman sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?

    • A.

      Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.

    • B.

      Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan.

    • C.

      Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.

    • D.

      Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.

    Correct Answer
    C. Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 134-135

    Rate this question:

  • 2. 

    Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa pag-unlad ng kabihasnan sa islang ito? I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging ligtas ang isla sa mga mananakop. II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa, at Asya ang isla ng Crete. III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil nakahiwalay ito sa Europe. IV. Naimpluwensiyahan ng mga sinaunang kabihasnan ng Africa at Asya ang Kabihasnang Minoan.

    • A.

      I at II

    • B.

      II at III

    • C.

      II at IV

    • D.

      I, II, at III

    Correct Answer
    B. II at III
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 134-137

    Rate this question:

  • 3. 

    Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa polis bilang isang lungsod-estado?

    • A.

      Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang polis.

    • B.

      Ang polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greek kung saan binibigyang-diin ang demokrasya.

    • C.

      Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod.

    • D.

      May iba’t ibang uring panlipunan ang isang polis at nahahati ito sa iba’t ibang yunit ng pamahalaan.

    Correct Answer
    C. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod.
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 139

    Rate this question:

  • 4. 

    Kung ikaw ay nasa polis sa sinaunang Greece, saang bahagi ka magtutungo kung ikaw ay mamimili?

    • A.

      Acropolis

    • B.

      Agora

    • C.

      Citadel

    • D.

      Forum

    Correct Answer
    B. Agora
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 139

    Rate this question:

  • 5. 

    Bakit naging estadong militar ang Sparta?

    • A.

      Naghiganti sila sa Persia.

    • B.

      Nagtatag sila ng malawak na imperyo.

    • C.

      Nanakop sila ng mga lupain.

    • D.

      Natakot sila sa pag-aalsa ng mga alipin.

    Correct Answer
    D. Natakot sila sa pag-aalsa ng mga alipin.
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 141

    Rate this question:

  • 6. 

    Nakilala ang Athens bilang isang demokratikong lungsod-estado sa Greece. Sino sa mga pinuno nito ang nag-alis ng pagkakautang ng mga mahihirap at ginawang illegal ang pagkaalipin dahil sa utang?

    • A.

      Cleisthenes

    • B.

      Draco

    • C.

      Pisistratus

    • D.

      Solon

    Correct Answer
    D. Solon
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 143

    Rate this question:

  • 7. 

    Bakit nagsimula ang Digmaang Persian?

    • A.

      Nagpadala ng tulong ang Athens sa kolonya nito na nasa Asia Minor laban sa Persia.

    • B.

      Nagpalawak ng teritoryo ang Persia hanggang sa Balkan Peninsula.

    • C.

      Nagtatag ng kolonya ang Athens sa Asia Minor na teritoryo ng Persia.

    • D.

      Nagtunggali ang Athens at Persia sa kalakalan sa Aegean Sea.

    Correct Answer
    A. Nagpadala ng tulong ang Athens sa kolonya nito na nasa Asia Minor laban sa Persia.
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 147

    Rate this question:

  • 8. 

    “Our constitution is called a democracy because power is in the hands, not of a minority, but of the whole people. When it is a question of settling private disputes, everyone is equal before the law…” Pericles, Funeral Oration Ano ang ibig sabihin ng pahayag?

    • A.

      Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban sa pamahalaan.

    • B.

      Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang demokrasya.

    • C.

      Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa.

    • D.

      Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang demokrasya.

    Correct Answer
    B. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang demokrasya.
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 151

    Rate this question:

  • 9. 

    Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estado na ang bawat isa ay malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng hiwa-hiwalay na lungsod-estado?

    • A.

      Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa silangan ng Europe na isang mabundok na lugar.

    • B.

      Iba’t iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t ibang kabihasnan ang umusbong dito.

    • C.

      Iba’t iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece.

    • D.

      Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming mangangalakal sa bawat lungsod-estado.

    Correct Answer
    A. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa silangan ng Europe na isang mabundok na lugar.
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 139

    Rate this question:

  • 10. 

    Alin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang Rome?

    • A.

      Censor at Praetor

    • B.

      Etruscan at Roman

    • C.

      Maharlika at Alipin

    • D.

      Patrician at Plebeian

    Correct Answer
    D. Patrician at Plebeian
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 160

    Rate this question:

  • 11. 

    Kailan lamang maaaring mamuno ang isang diktador sa pamahalaan ng mga Romano?

    • A.

      Kapag nag-away ang mga patrician at plebeian

    • B.

      Kapag namatay ang consul

    • C.

      Sa panahon ng matinding kagipitan

    • D.

      Sa panahon ng resesyon ng ekonomiya

    Correct Answer
    C. Sa panahon ng matinding kagipitan
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 160

    Rate this question:

  • 12. 

    Nagmula ang katagang Pyrrhic victory sa karanasan ni Haring Pyrrhus mula sa kaniyang pakikipaglaban sa mga Romano. Anong kahulugan ng Pyrrhic victory?

    • A.

      Maagang tagumpay

    • B.

      Mahal na tagumpay

    • C.

      Mapaminsalang digmaan

    • D.

      Matagal na digmaan

    Correct Answer
    B. Mahal na tagumpay
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 162

    Rate this question:

  • 13. 

    Sa kasaysayan ng Rome ay nagkaroon ng dalawang triumvirate o alyansa ng tatlong makapangyarihang tao. Sino sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa Unang Triumvirate?

    • A.

      Julius Caesar

    • B.

      Marcus Crassus

    • C.

      Mark Antony

    • D.

      Pompey

    Correct Answer
    C. Mark Antony
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 170

    Rate this question:

  • 14. 

    Bakit naglaban ang Rome at Carthage sa sigalot na tinawag na Digmaang Punic?

    • A.

      Pag-aagawan sa timog Italy

    • B.

      Pagiging makapangyarihan sa Mediterranean

    • C.

      Pagsalakay ng Carthage sa Numidia

    • D.

      Pagsalakay ng Rome sa Zama

    Correct Answer
    B. Pagiging makapangyarihan sa Mediterranean
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 163

    Rate this question:

  • 15. 

    Sino ang unang emperador ng Pax Romana?

    • A.

      Antoninus Pius

    • B.

      Augustus Caesar

    • C.

      Julius Caesar

    • D.

      Marcus Aurelius

    Correct Answer
    B. Augustus Caesar
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 173

    Rate this question:

  • 16. 

    Ano ang panunahing dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang pinakamakapangyarihan sa Mediterranean?

    • A.

      Naging kaalyado ng Rome ang mga imperyo ng Greece at Macedonia.

    • B.

      Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece.

    • C.

      Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome kung ikukumpara sa mga karatig-lugar.

    • D.

      Natalo ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa Mediterranean tulad ng Carthage at Greece.

    Correct Answer
    D. Natalo ng Rome ang malalakas na kabihasnan sa Mediterranean tulad ng Carthage at Greece.
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 165

    Rate this question:

  • 17. 

    Kung ikaw ay nabuhay bilang si Julius Caesar sa sinaunang Rome, alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nagawa mo?

    • A.

      Pagbawas sa kapangyarihan ng Senate at pagdagdag sa mga kasapi nito

    • B.

      Pagbibigay ng Roman citizenship sa lahat ng naninirahan sa Italy

    • C.

      Pagsasaayos ng pagbabayad ng buwis sa mga lalawigan

    • D.

      Pagtatatag ng Imperyong Romano at pagpapalaganap ng kapayapaan

    Correct Answer
    D. Pagtatatag ng Imperyong Romano at pagpapalaganap ng kapayapaan
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 170-171

    Rate this question:

  • 18. 

    Isinalaysay sa akdang The Iliad ang mga pangyayaring naganap sa Digmaang Trojan. Sinong kilalang manunulat na Griyego ang may-akda nito?

    • A.

      Aristotle

    • B.

      Homer

    • C.

      Socrates

    • D.

      Thales of Miletus

    Correct Answer
    B. Homer
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 151

    Rate this question:

  • 19. 

    Anong estruktura ang unang tinawag na Flavian Amphitheatre at ginawa para sa labanan ng mga gladiator?

    • A.

      Aqueduct

    • B.

      Colosseum

    • C.

      Hippodrome

    • D.

      Panthen

    Correct Answer
    B. Colosseum
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 175

    Rate this question:

  • 20. 

    Sino ang itinuturing bilang “Ama ng Medisina” sapagkat itinaas niya ang larangan ng medisina bilang agham at hindi bunga ng mahika?

    • A.

      Herodotus

    • B.

      Hippocrates

    • C.

      Plato

    • D.

      Thucydides

    Correct Answer
    B. Hippocrates
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 153

    Rate this question:

  • 21. 

    Sa lipunang Maya, ang nagsisilbing pinuno ay ang mga tinatawag na “halach uinic”. Ano ang kahulugan nito?

    • A.

      Tunay na banal

    • B.

      Tunay na lalaki

    • C.

      Tunay na matapang

    • D.

      Tunay na pinuno

    Correct Answer
    B. Tunay na lalaki
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 187

    Rate this question:

  • 22. 

    Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribo na tumungo sa lambak ng Mexico. Kilala ang mga Aztec dahil sa kanilang mga chinampas. Ano ang mga ito?

    • A.

      Pagbabayad ng tribute ng mga sakop na estado

    • B.

      Paggawa ng artipisyal na pulo para pagtaniman

    • C.

      Pagsasakripisyo ng mga tao sa kanilang mga diyos

    • D.

      Pagtatayo ng lungsod sa gitna ng isang lawa

    Correct Answer
    B. Paggawa ng artipisyal na pulo para pagtaniman
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 193

    Rate this question:

  • 23. 

    Paano nagwakas ang sibilisasyon ng mga Aztec at Inca?

    • A.

      Nagkaroon ng mga magkakasunod na kalamidad.

    • B.

      Nagkaroon ng digmaan sa pagitan nila.

    • C.

      Sinakop sila ng mga Espanyol.

    • D.

      Inabuso ang kanilang likas na yaman.

    Correct Answer
    C. Sinakop sila ng mga Espanyol.
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 195, 200

    Rate this question:

  • 24. 

    Alin sa mga kabihasnan ng America ang umusbong noong panahong prehistoriko?

    • A.

      Kabihasnang Aztec

    • B.

      Kabihasnang Inca

    • C.

      Kabihasnang Maya

    • D.

      Kabihasnang Olmec

    Correct Answer
    D. Kabihasnang Olmec
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 185

    Rate this question:

  • 25. 

    Sa kanyang pamumuno sa Imperyong Inca ay pinatatag niya ang lipunang Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong estado. Sino ang pinunong Incan na ito?

    • A.

      Atahuallpa

    • B.

      Huayna Capac

    • C.

      Manco Capac

    • D.

      Pachakuti

    Correct Answer
    D. Pachakuti
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 199

    Rate this question:

  • 26. 

    Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dakilang imperyo na umusbong sa Kanlurang Africa?

    • A.

      Axum

    • B.

      Ghana

    • C.

      Mali

    • D.

      Songhai

    Correct Answer
    A. Axum
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 209

    Rate this question:

  • 27. 

    Kung ikaw si Dia Kossoi, naging hari ng Songhai, alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin?

    • A.

      Pagbibigay ng kalayaan sa mga mamamayan na mamili ng sariling relihiyon

    • B.

      Pagpapanatili ng kapayapaan sa nasasakupan

    • C.

      Pagpapatupad ng mga batas upang mapanatili ang disiplina sa mga mamamayan

    • D.

      Pagtanggi sa Islam dahil sa sapat na kapangyarihan

    Correct Answer
    A. Pagbibigay ng kalayaan sa mga mamamayan na mamili ng sariling relihiyon
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 212

    Rate this question:

  • 28. 

    Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag-unald nito?

    • A.

      Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto at asin sa pagitan ng kaloob-loobang Africa at ng mga Arab sa Sahara.

    • B.

      Nagsisilbing natural na proteksyon ng imeryo ang malawak na disyerto ng Sahara.

    • C.

      Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at kaligtasan mula sa banta ng mga mananakop.

    • D.

      Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng pagsasaka.

    Correct Answer
    A. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto at asin sa pagitan ng kaloob-loobang Africa at ng mga Arab sa Sahara.
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 210-212

    Rate this question:

  • 29. 

    Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ano ang kahulugan ng Micronesia?

    • A.

      Maitim ang mga tao sa isla

    • B.

      Maitim na mga isla

    • C.

      Maliliit na mga isla

    • D.

      Maraming isla

    Correct Answer
    C. Maliliit na mga isla
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 216

    Rate this question:

  • 30. 

    Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific?

    • A.

      Ang mga sinaunang mamamayan ng mga pulo sa Pacific ay naniniwala sa banal na kapangyarihan o mana.

    • B.

      Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o dagat-dagatan.

    • C.

      Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay pagsasaka at pangingisda.’

    • D.

      Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa pulo ng Pacific ay animism.

    Correct Answer
    C. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga pulo ng Pacific ay pagsasaka at pangingisda.’
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 217-219

    Rate this question:

  • 31. 

    Ang mana ay ang banal na kapangyarihan na pinaniniwalaan ng mga Polynesian na matatagpuan sa mga bato, bangka at iba pang bagay. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mga gawain ng mga Polynesian para hindi mawala ang mana? I. Pagbabawal sa mga kababaihan na sumakay sa mga bangka II. Pagbabawal sa karaniwang tao na pumasok sa banal na lugar III. Pagtatayo ng mga tohua sa gilid ng mga bundok IV. Pagbubukod sa mga lalaking naghahanda para sa digmaan

    • A.

      I, II at III

    • B.

      I, II at IV

    • C.

      II, III, IV

    • D.

      I, II, III, IV

    Correct Answer
    B. I, II at IV
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 217

    Rate this question:

  • 32. 

    Ano ang ibig sabihin ng caravan sa sinaunang Africa?

    • A.

      Sama-samang pag-ikot upang maipakita ang sariling kultura

    • B.

      Sama-samang paglaban sa mga mananakop

    • C.

      Sama-samang paglalakbay upang makipagkalakalan

    • D.

      Sama-samang pagsalakay upang makasakop ng teritoryo

    Correct Answer
    C. Sama-samang paglalakbay upang makipagkalakalan
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 205

    Rate this question:

  • 33. 

    Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na may impluwensiya ang mga Olmec sa kabihasnang Aztec?

    • A.

      Ginagamit ng mga Aztec ang larong pok-a-tok.

    • B.

      Gumagawa ang mga Aztec ng mga alahas mula sa obsidian.

    • C.

      Naniniwala ang mga Aztec sa hayop na jaguar.

    • D.

      Sumasamba ang mga Aztec sa diyos na si Quetzalcoatl.

    Correct Answer
    D. Sumasamba ang mga Aztec sa diyos na si Quetzalcoatl.
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 194

    Rate this question:

  • 34. 

    Isang mahalagang ambag ng mga nanirahan sa mga isla sa Pacific ay ang wikang Malayo-Polynesian. Ang kanilang wika ay kamag-anak ng wikang Filipino. Ano ang isa pang tawag sa wikang ito?

    • A.

      Austronesian

    • B.

      Indo-European

    • C.

      Niger-Congo

    • D.

      Sino-Tibetan

    Correct Answer
    A. Austronesian
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 215

    Rate this question:

  • 35. 

    Ang Middle Ages ay nagsilbi bilang panahon ng transisyon sa kasaysayan ng daigdig. Anong pangyayari ang nagpasimula ng Gitnang Panahon sa Europe?

    • A.

      Pagbagsak ng kanlurang Imperyong Romano

    • B.

      Pagiging makapangyarihan ng mga barbaro

    • C.

      Pag-unlad ng mga bayan sa Europe

    • D.

      Paninirahan ng mga Europeo sa mga manor

    Correct Answer
    A. Pagbagsak ng kanlurang Imperyong Romano
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 230

    Rate this question:

  • 36. 

    Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan o Papacy. Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan?

    • A.

      Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa kasalukuyan.

    • B.

      Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.

    • C.

      Simbolo ng Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong panahong Medieval.

    • D.

      Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican.

    Correct Answer
    B. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 232

    Rate this question:

  • 37. 

    Paano nagawang protektahan ng Simbahang Katoliko ang sarili sa kabila ng pananalakay at paninira ng mga barbaro?

    • A.

      Hinikayat ang mga barbaro na magpabinyag sa Kristiyanismo.

    • B.

      Nagpadala ito ng mga Krusada para labanan ang mga barbaro.

    • C.

      Nagtago sa mga monasteryo ang mga alagad ng Simbahan.

    • D.

      Pinagbantaang ititiwalag sa Simbahan ang mga barbaro.

    Correct Answer
    A. Hinikayat ang mga barbaro na magpabinyag sa Kristiyanismo.
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 231

    Rate this question:

  • 38. 

    Ano ang tawag sa seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kanyang kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magiging tapat na tauhan nito?

    • A.

      Homage

    • B.

      Investiture

    • C.

      Fief

    • D.

      Oath of Fealty

    Correct Answer
    A. Homage
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 249

    Rate this question:

  • 39. 

    Lahat maliban sa isa ay kabilang sa mga katauhan na naghati-hati sa Holy Roman Empire matapos ang Kasunduan ng Verdun. Sino ito?

    • A.

      Charles the Bald

    • B.

      Lothair

    • C.

      Louis the German

    • D.

      Louis the Pious

    Correct Answer
    D. Louis the Pious
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 240

    Rate this question:

  • 40. 

    Kung ikaw ay nabuhay bilang si Charles Martel, ano ang iyong mahalagang nagawa bilang isang pinuno?

    • A.

      Pag-iisa sa tribong Franks at pagtatag sa kaharian ng France

    • B.

      Pagpapatayo ng mga paaralan at unibersidad sa Europe

    • C.

      Pagtalo sa pananalakay ng mga Muslim sa Kanlurang Europe

    • D.

      Pagtuturo at pagsasanay sa mga pari at opisyal ng pamahalaan

    Correct Answer
    C. Pagtalo sa pananalakay ng mga Muslim sa Kanlurang Europe
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 239

    Rate this question:

  • 41. 

    Sinong Papa ng Simbahang Katoliko ang humikayat sa mga Kristiyano na ilunsad ang mga Krusada?

    • A.

      Gregory I

    • B.

      Innocent III

    • C.

      Leo the Great

    • D.

      Urban II

    Correct Answer
    D. Urban II
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 242

    Rate this question:

  • 42. 

    Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong European. Ano ang pangunahing layunin ng Krusada?

    • A.

      Mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano

    • B.

      Mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim

    • C.

      Mapalawak ang kalakalan ng mga basnang Europeo

    • D.

      Mapalawak pa ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko

    Correct Answer
    B. Mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 242

    Rate this question:

  • 43. 

    Maraming Krusada ang ipinadala ng Simbahang Katoliko kabilang ang Ikatlong Krusada. Ano ang pinakamahalagang naganap dito?

    • A.

      Pagsagupaan nina Richard the Lionhearted at Saladin

    • B.

      Pagsama ng libo-libong bata sa pangunguna ni Stephen

    • C.

      Pagtatag ng isang Crusader State malapit sa Mediterranean

    • D.

      Pandarambong ng mga krusador sa Constantinople

    Correct Answer
    A. Pagsagupaan nina Richard the Lionhearted at Saladin
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 243

    Rate this question:

  • 44. 

    Sa panahon ng piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: pari, kabalyero at serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf?

    • A.

      Itinuturing silang natatanging sektor sa lipunan.

    • B.

      Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.

    • C.

      May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.

    • D.

      Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.

    Correct Answer
    D. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 252

    Rate this question:

  • 45. 

    Ano ang tawag sa kalakalang naganap sa pagitan ng mga mangangalakal sa loob lamang ng isang taon?

    • A.

      Barter

    • B.

      Fief

    • C.

      Trade Fair

    • D.

      Trade Post

    Correct Answer
    C. Trade Fair
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 256

    Rate this question:

  • 46. 

    Isa sa mga epekto ng pag-unlad ng sistema ng pagsasaka noong unang bahagi ng Panahong Medieval ang pagtaas ng populasyon. Batay sa graph, sa anong mga taon ito naganap?

    • A.

      1000 at 1200 CE

    • B.

      800 at 1000 CE

    • C.

      600, 800 at 1000 CE

    • D.

      800, 1000 at 1200 CE

    Correct Answer
    D. 800, 1000 at 1200 CE
    Explanation
    The graph shows a significant increase in population during the years 800, 1000, and 1200 CE. This suggests that the development of the agricultural system during the early part of the Medieval period led to a population growth.

    Rate this question:

  • 47. 

    Batay sa larawan, ano ang pangunahing kabuhayan sa loob ng isang manor?

    • A.

      Paggawa ng iba’t ibang kasangkapan

    • B.

      Paglilingkod sa may-ari ng lupa

    • C.

      Pagsasaka

    • D.

      Pakikipagkalakalan

    Correct Answer
    C. Pagsasaka
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 253

    Rate this question:

  • 48. 

    Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ng mga tinukoy na karakter sa comic strip tungkol sa piyudalismo?

    • A.

      Ito ay naglalarawan sa paraang ginamit ng mga hari sa Europe noong Panahong Medieval upang mailigtas ang kaniyang teritoryo.

    • B.

      Ito ay sistemang pang-ekonomiya na ipinatupad sa Europe noong Panahong Medieval.

    • C.

      Ito ay sistemang sosyo-politikal na ang batayan ng kapangyarihan ay pagmamay-ari ng lupa.

    • D.

      Ito ay ugnayang panlipunan sa pagitan ng hari at ng kaniyang mga nasasakupan.

    Correct Answer
    C. Ito ay sistemang sosyo-politikal na ang batayan ng kapangyarihan ay pagmamay-ari ng lupa.
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 249

    Rate this question:

  • 49. 

    “Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksiyon kaya naitatag ang sistemang piyudalismo.” Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag?

    • A.

      Ang sistemang piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao.

    • B.

      Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro.

    • C.

      Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang pangkat barbaro.

    • D.

      Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghahangad ng proteksyon.

    Correct Answer
    D. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghahangad ng proteksyon.
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 250

    Rate this question:

  • 50. 

    Ang kabihasnang Minoan ay nabuo sa Crete na napaliligiran ng tubig at may estratehikong lokasyon. Ano ang pangunahing gawaing pangkabuhayan na naging dahilan ng kaunlaran nito?

    • A.

      Pagmimina

    • B.

      Pagsasaka

    • C.

      Pagtatanim

    • D.

      Pakikipagkalakalan

    Correct Answer
    D. Pakikipagkalakalan
    Explanation
    Kasaysayan ng Daigdig Learning Module, pahina 135

    Rate this question:

Quiz Review Timeline +

Our quizzes are rigorously reviewed, monitored and continuously updated by our expert board to maintain accuracy, relevance, and timeliness.

  • Current Version
  • Mar 22, 2023
    Quiz Edited by
    ProProfs Editorial Team
  • Oct 13, 2019
    Quiz Created by
    Kevin.olympians0
Back to Top Back to top
Advertisement
×

Wait!
Here's an interesting quiz for you.

We have other quizzes matching your interest.