Ika-5 ng Marso, 2018 Sa inyong mga mag-aaral ng ika-sampung Baitang, Binabati ko kayo at kayo'y nakarating sa puntong ito kung saan susukatin ang inyong kaalaman sa asignaturang Filipino. Manatiling tapat at pairalin ang husay sa pagsagot ng mga katanungan sapagkat dito'y maaaring masukat ang inyong kakayahang mentalidad sa ikaapat na markahan. Bigyang pansin ang oras at pag-ibayuhin ang konsentrasyon sa pagkuha ng pagsusulit. Nawa'y magbigay sa inyo ng panibagong karanasan ang uri ng pagsusulit na ito upang lalong mapayabong ang inyong pangkalahatang karanasan sa pag-aaral sa ating butihing paaralan. Sumasainyo, G. Denver B. Lopez Guro sa Filipino
