Long Test

36 | Total Attempts: 1262

SettingsSettingsSettings
Please wait...
Long Test

Malaman at matuklasan ang heograpiya, kultura at kasaysayan ng Pilipinas.


Questions and Answers
  • 1. 
    Ito ay nakaraang pangyayari sa buhay ng sangkatauhan, sa bansa, at sa buong daigdig na may kaugnayan sa kasalukuyang pamumuhay at sa hinaharap.
    • A. 

      Ekonomiks

    • B. 

      Kasaysayan

    • C. 

      Filipino

    • D. 

      Heograpiya

  • 2. 
    Kalinangan, mga katutubong ugali, at saloobin ng isang lahi o bansa ang ____________.
    • A. 

      Pilosopiya

    • B. 

      Ekonomiks

    • C. 

      Heograpiya

    • D. 

      Kultura

  • 3. 
    Ano ang tawag sa mga taong nagsasaliksik, nagsusuri at nagtatala ng mga kaganapan sa kasaysayan?
    • A. 

      Mananalaysay

    • B. 

      Mananaliksik

    • C. 

      Heograpiya

    • D. 

      Kultura

  • 4. 
    Nabuo ang kapuluan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagputok ng bulkan. Ang mga bulkang ito ay matatagpuan sa ilalim ng karagatang Pacific sa gawing silangan ng kontinente ng Asya. Ang tawag sa teoryang ito ay:
    • A. 

      Teoryang Asyatiko

    • B. 

      Teorya ng Tulay na Lupa

    • C. 

      Teoryang Bulkanismo

    • D. 

      Alamat

  • 5. 
    Ayon sa teorya ng pinagmulan ng Pilipinas ang mga sumusunod na lugar ay ang mga tulay na lupa na nabuo maliban sa:
    • A. 

      Palawan-Borneo

    • B. 

      Celebes-Mindanao

    • C. 

      New Guinea-Mindanao

    • D. 

      Palawan-Mindanao

  • 6. 
    Kung ang Pilipinas ay kasinlaki ng Italy, mas malaki sa England, at mas maliit sa Japan, ayon sa sukat maiuuri ito sa:
    • A. 

      Maliit

    • B. 

      Lubhang Napakalaki

    • C. 

      Katamtaman ang Laki

    • D. 

      Napakalaki

  • 7. 
    Itinatadhana sa Atas ng Pangulo Blg. 1599 na ipinalabas noong Hulyo 11, 1978 ang pagtataguyod ng sonang ekonomiko na may lawak na __________.
    • A. 

      300 nautical mile

    • B. 

      100 nautical mile

    • C. 

      200 nautical mile

    • D. 

      350 nautical mile

  • 8. 
    Ano ang pinakapangunahing suliraning dulot ng pagkakalayo-layo ng mga pulo ng Pilipinas?
    • A. 

      Transportasyon at komunikasyon

    • B. 

      Kalakalan

    • C. 

      Edukasyon

    • D. 

      Pamamahala

  • 9. 
    Ang pinakahawig na wika, kagamitan, ugali at kultura ng mga taong nanirahan sa Indonesia, China, Pilipinas, at karatig bansa ay ang paniniwalang nagmula sila sa:
    • A. 

      Indonesia

    • B. 

      Micronesian

    • C. 

      Austrolapithecus

    • D. 

      Austronesyano

  • 10. 
    Sa panahong ito, natutong magbungkal ng lupa, magpaamo at mag-alaga ng hayop ang ating mga ninuno.
    • A. 

      Panahon ng Bronse

    • B. 

      Panahon ng Bagong Bato

    • C. 

      Panahon ng Tanso

    • D. 

      Panahon ng Lumang Bato

  • 11. 
    Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga batayan ng pagtatakda ng Pambansang Teritoryo ng Pilipinas?
    • A. 

      Doktrinang Pangkapuluan

    • B. 

      Sonang Ekonomiko

    • C. 

      Pook Submarine

    • D. 

      Sonang Pang-industriya

  • 12. 
    Bakit mahalagang matukoy ang Pambansang Teritoryo ng Pilipinas?
    • A. 

      Upang mabigyan ng karangalan ang bansa.

    • B. 

      Upang mabigyan ng kaligtasan at seguridad ang bansa.

    • C. 

      Upang mabigyan ng kaunlaran ang bansa.

    • D. 

      Upang mabigyan ng tamang pamamahala.

  • 13. 
    Ano ang isinasaad ng Artikulo I ng Saligang Batas ng Pilipinas 1987?
    • A. 

      Tungkulin ng mga Pilipino

    • B. 

      Karapatan ng mga Pilipino

    • C. 

      Pambansang Teritoryo

    • D. 

      Pagkamamamayan

  • 14. 
    Bakit hinati sa mga rehiyon ang Pilipinas?
    • A. 

      Upang lumawak ang sakop ng Pilipinas.

    • B. 

      Upang malutas ang mga suliraning kinakaharap ng bansa.

    • C. 

      Upang maging madali ang pagpapasiya at pagpapatupad sa mga batas at ordinansa.

    • D. 

      Upang maging isa at buo ang Pilipinas.

  • 15. 
    Bakit mahirap ang paglalakbay sa mga rehiyon ng Pilipinas?
    • A. 

      Mabagal ang pakikipag-ugnayan sa karatig pulo.

    • B. 

      Mahirap ang transportasyon at komunikasyon

    • C. 

      Liblib ang mga lugar

    • D. 

      Maraming nakaambang panganib ang paglalakbay

  • 16. 
    Bakit may mga rehiyong awtonomus sa ating bansa?
    • A. 

      Gusto nilang humiwalay sa ating bansa.

    • B. 

      Mapabilis ang pakikipag-ugnayan sa bawat rehiyon.

    • C. 

      Mapalakas at mapamunuan ang rehiyonal na damdamin ng mga muslim sa ilalim ng nag-iisang bansang Pilipinas.

    • D. 

      Nagpapalakas ang gobyerno sa kanyang mga rehiyon.

  • 17. 
    Bakit maraming uri ng wika sa ating bansa?
    • A. 

      Dahil sa rehiyonalismo

    • B. 

      Dahil mahilig tayong manggaya

    • C. 

      Dahil matatalino ang mga Pilipino

    • D. 

      Dahil nasakop tayo ng mga dayuhan

  • 18. 
    Ano ang tawag sa mga bagay na likha ng Diyos maging ito ay may buhay o wala at tumutustos sa walang hanggang pangangailangan ng tao?
    • A. 

      Likas na Yaman

    • B. 

      Natural Phenomenon

    • C. 

      Naturalisasyon

    • D. 

      Teorya

  • 19. 
    Alin ang naglalarawan sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino?
    • A. 

      Nagtatayo sila ng bahay sa lungsod

    • B. 

      Sumasampalataya sila sa relihiyong kristiyanismo

    • C. 

      Pinakikibagayan nila ang kanilang kapaligiran sa pagtatayo ng tirahan

    • D. 

      Namumuhay sa makabagong sibilisasyon.

  • 20. 
    Tama ba na sabihing ang mga sinaunang Pilipino ay may taglay na kulturang primitibo?
    • A. 

      Oo, dahil wala silang natamong edukasyon noon.

    • B. 

      Hindi, may mga tala sa kasaysayan na may angking kultura ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga mananakop.

    • C. 

      Hindi ako sigurado, kulang pa ang nababasa ukol dyan.

    • D. 

      Oo, dahil hindi sila gumagamit ng mga makabagong kagamitan.

  • 21. 
    Kung makakakita ka ng mga “fossil”, kanino mo ilalapit upang masuri ito?
    • A. 

      Sa geologo dahil ang “fossil” ay nakita sa lupa.

    • B. 

      Sa antropologo, dahil pinag-aaralan nila ang pinagmulan at pag-unlad ng tao

    • C. 

      Sa heograpo, dahil walang “fossil” kung walang kapaligiran

    • D. 

      Sa museum, upang Makita ng mga tao.

  • 22. 
    Ang Pilipinas ay nagkaroon ng maraming pangkat-etniko dahil sa __________.
    • A. 

      Iba-ibang uri ng edukasyon ng mga tao.

    • B. 

      Iba-iba ang paraan ng pamumuhay.

    • C. 

      Pagkakaroon ng maraming pulo

    • D. 

      Iba’t-ibang salinlahi

  • 23. 
    Bakit sinasabing di makatarungan ang pagbabatas noong unang panahon ng mga sinaunang Pilipino?
    • A. 

      Wala kasing tagapagtanggol

    • B. 

      Marahas ang paraan ng paglilitis

    • C. 

      Sobrang bagal ang paglilitis

    • D. 

      Walang paglilitis na isinasagawa

  • 24. 
    Bakit naglalagay ng tatu o pinta sa katawan ang mga sinaunang Pilipino?
    • A. 

      Panlaban sa masasamang ispiritu sa paligid

    • B. 

      Simbolo ng kagandahan at katapangan

    • C. 

      Sagisag ng katayuan sa lipunan

    • D. 

      Upang pangilagan o katakutan

  • 25. 
    Bakit sinasabing di pormal ang edukasyon ng mga sinaunang Pilipino?
    • A. 

      Ang ama at ina ang guro ng mga anak

    • B. 

      Walang mga kagamitan sa pag-aaral

    • C. 

      Bilang ang araw ng pasok sa paaralan

    • D. 

      Pinaparusahan ang mga batang di nag-aaral