Naka-"Move On" Ka Na Ba? (How Quick Are You To "Move On"?)

20 Questions | Total Attempts: 103

Please wait...
Fun Quizzes & Trivia

How hard is it for you to let go? Are you quick to forgive and forget? Answer our fun and sexy online quiz and find out if you're still stuck in the past or if you've already moved on!


Questions and Answers
  • 1. 
    After one year of not seeing each other, muli mong nakita ang ex mo. Ano ang magiging reaction mo?
    • A. 

      Alam mo ba kung bakit tayo nagkita uli? This is destiny! We're really meant for each other!

    • B. 

      Do I know you? Dahil wala akong kilalang taksil!

    • C. 

      Hi! Musta na? Me? Eto nagbibilang ng boyfriend/girlfriend.

    • D. 

      Hey! What's up? Long time, no see!

  • 2. 
    Saan nakalagay ang picture ng ex mo?
    • A. 

      Sa ilalim ng unan ko. Para mapanaginipan ko sya.

    • B. 

      Sa kwarto ko. Ginagawa kong dart board.

    • C. 

      Sa isang photo album kasama ng pictures ng mga naging boyfriends/girlfriends ko na may title na "My Playmates Collection".

    • D. 

      Sa isang photo album kasama ng pictures ng mga friends ko. After all, we're still friends.

  • 3. 
    Nakasalubong mo ang dati mong bestfriend na jowa na ng ex mo ngayon. Ano ang gagawin mo?
    • A. 

      Guard! Hulihin ang magnanakaw na ito!

    • B. 

      So, ikaw pala ang ipinagpalit nya sa akin. Pumapatol na pala sya sa alien ngayon.

    • C. 

      Excuse me, have we met before?

    • D. 

      Hi! Musta na kayo ni ______?

  • 4. 
    Tinetext mo pa ba ang ex mo?
    • A. 

      Everyday. Pinapasahan ko sya ng mga sweet messages. Minsan pati load.

    • B. 

      Once in a while. Tinetext ko sya ng "Lintik lang ang walang ganti!"

    • C. 

      Wala na akong time na itext sya sa dami ng kalandian ko sa text ngayon.

    • D. 

      Paminsan-minsan lang para mangamusta or kapag kinakailangan.

  • 5. 
    May nagbalita sa yo na naaksidente daw ang ex mo. How would you react?
    • A. 

      My God! Wag mo po muna syang kunin! Ikamamatay ko!

    • B. 

      Bwahahaha! Ang karma nga naman! Mas mabilis pa sa Fed-Ex!

    • C. 

      What?! Ok lang, hindi lang naman sya ang lalaki sa mundo.

    • D. 

      Talaga?! Sana maging ok naman ang lagay nya. (Sabay balik sa pinapanood mong tagalog telenovela)

  • 6. 
    Ano ang naka-entry na name ng ex mo sa cel mo?
    • A. 

      Babe (hanggang ngayon, hindi ko pa rin pinapalitan.)

    • B. 

      Hudas.

    • C. 

      He/She-Who-Must-Not-Be-Named.

    • D. 

      Complete name nya.

  • 7. 
    Kailan ka huling dumaan sa favorite restaurant nyo ng ex mo?
    • A. 

      Almost everyday. Dun pa ko pumupwesto sa favorite spot namin. Gusto kong sariwain ang nakaraan.

    • B. 

      Never again! Isinusumpa ko ang restaurant na yun! Ikinakalat ko pa sa internet na may cyanide ang food na sineserve nila para hindi na sila tangkilikin ng tao at magsara na sila!

    • C. 

      Last weekend. Dun ko kasi niyayaya ang mga nakaka-date ko.

    • D. 

      Paminsan-minsan. Pag dun trip kumain ng mga friends ko.

  • 8. 
    When was the last time you heard news about your ex?
    • A. 

      Everyday. I'm stalking him/her.

    • B. 

      Hinihintay ko nga na ma-front page sya sa dyaryo na nasagasaan ng tren dahil araw-araw kong ipinapanalangin yun!

    • C. 

      Nung time na nagbreak kami. Kasi pagkabreak namin naghanap agad ako ng kapalit nya kaya wala na akong panahon pa na makibalita sa kanya.

    • D. 

      Or a very long time. Wala na kasi kaming masyadong communication.

  • 9. 
    Nabalitaan mo na ikakasal na ang ex mo. Ano ang magiging reaction mo?
    • A. 

      Kikidnapin ko ang ex ko! Sa akin lang sya dapat magpakasal! Sa akin!

    • B. 

      Magpapadala ako ng regalo. Korona ng patay.

    • C. 

      Yayayain ko na din ang latest date ko na magtanan na kami! Akala nya sya lang!

    • D. 

      I will wish them the best.

  • 10. 
    What's your usual reaction kapag napapakinggan mo ang theme song nyo ng ex mo?
    • A. 

      Araw-araw ko kayang nirerekwes sa Love Radio yan!

    • B. 

      Pinapatay ko yung radyo. Minsan pati yung DJ na nagpatugtog nun gusto kong patayin.

    • C. 

      Yan din ang ginagawa kong theme song ng mga nagiging boyfriends/girlfriends ko noh!

    • D. 

      I will just listen to the song, or sing along with it.

  • 11. 
    After your break-up, ano ang ginawa mo para makarecover?
    • A. 

      Gumawa ako ng suicide note.

    • B. 

      Gumawa ako ng master plan kung paano ko susunugin ang bahay nila.

    • C. 

      Sinagot ko yung hardinero ng kapitbahay na matagal nang may crush sa akin.

    • D. 

      Pick up the shattered pieces of myself and decide that life still must go on. Panget na yun!

  • 12. 
     Kung meron kang gustong ibigay sa ex mo, ano yun?
    • A. 

      Anak. Gusto kong maging ina ng kanyang mga anak.

    • B. 

      Letter na may anthrax.

    • C. 

      T-back ko. Remembrance lang.

    • D. 

      Yung favorite CD nya na naiwan nya sa akin. Baka kasi hinahanap na nya, akala pa nya ninakaw ko.

  • 13. 
    Kung gagawing pelikula ang love story nyo ng ex mo, ano ang gusto mong maging title?
    • A. 

      Romeo & Juliet (If I Can't Have You, Nobody Else Will)

    • B. 

      The Grudge (Ultimate Revenge)

    • C. 

      Ang Mga Lalaki sa Buhay ni Belya

    • D. 

      I Love You, Goodbye

  • 14. 
    Kapag nakipagbalikan ang ex mo, tatanggapin mo ba sya uli?
    • A. 

      I will accept him/her with open arms, open heart, open eyes, etc. Lahat naka-open! Nanginginig pa!

    • B. 

      Oo! Tatanggapin ko sya tapos gagawin ko din sa kanya ang lahat ng ginawa nya sa akin! Para maramdaman nya ang lahat ng sakit, kirot at hapdi ng ginawa nya!

    • C. 

      Pwede na rin. Pandagdag sa boylet/girlet collection.

    • D. 

      No need. My life is much better without him/her.

  • 15. 
    After nyong mag-break, how long does it take bago ka makahanap ng iba?
    • A. 

      Never! I still believe na kaming dalawa ang magkakatuluyan! I saw the signs!

    • B. 

      Hindi na ako nagka-boyfriend uli! Galit ako sa mga lalaki! Pare-pareho lang sila!

    • C. 

      Kinabukasan, sinagot ko na yung kapitbahay namin kahit di naman sya nanliligaw.

    • D. 

      Almost a year. Ayoko kasing magpadalus-dalos.

  • 16. 
    After 25 years, muli mong nakita ang kalaro mo noong childhood days mo na naghulog sa yo sa imburnal. Ano ang gagawin mo?
    • A. 

      I'm telling you, pagsisisihan mo ang araw na 'to kung bakit nabuhay ka pa!

    • B. 

      Naranasan mo na bang mahulog sa imburnal? Pwes, mararanasan mo na yan ngayon! Uhm!

    • C. 

      Do I know you? (sabay irap)

    • D. 

      Hello! Musta ka na? (Tapos magkukwentuhan lang kami at pagtatawanan ang mga nangyari nung mga bata pa kami.)

  • 17. 
    After 5 years, muli mong nakita ang friend mo na may utang sa yong 100 pesos. Ano ang gagawin mo?
    • A. 

      Aha! Nakita din kita sa wakas! Bayaran mo na ang utang mo, pati yung interes! Kung ayaw mong ipahuli kita sa pulis sa kasong estafa!

    • B. 

      Buti naman at nakita uli kita! Aba! Naka-Guess ka na ngayon! Samantalang ako, hanggang P99 Store lang. Hindi kasi ako makabili dahil hanggang ngayon, hindi ka pa nagbabayad ng utang!

    • C. 

      Haller?! Hindi ko na sya sisingilin. Ano ko cheap? I'm sure mas mayaman na ko sa kanya ngayon!

    • D. 

      Hello! Long time, no see! Yada-yada (Wala lang, magkukwentuhan lang kami. Gift ko na sa kanya yung 100. Naniniwala naman ako sa kasabihang it's better to give than to receive.)

  • 18. 
    You walk into a restaurant at nakita mo ang ex mo dining out with a date. Ano ang gagawin mo?
    • A. 

      Maglulupasay ako right there and then, gagawa ako ng eksena worthy of a FAMAS award! I'll plead with my ex to give us another chance.

    • B. 

      Lalapitan ko sila at makikipagplastikan. Tapos "accidentally" masasagi ko yung drink sa lap ng date nya, at "accidentally" masasagi ko yung plato sa mukha ng ex ko.

    • C. 

      Maghahanap agad ako ng pwedeng kalandian, tapos makikipag-PDA (public display of affection) ako within viewing distance of my ex. I'll show him/her na madami pa din nagkakagusto sa akin!

    • D. 

      I'll go over to say a friendly hello. (And of course kikilatisin ko na din yung bagong ka-date, at kung di hamak na mas pogi/maganda ako, I'll gloat silently. Nyahaha.)

  • 19. 
    Complete the sentence. "Hindi ko patatawarin ang kaaway ko hangga't..."
    • A. 

      Siya'y nabubuhay, o hangga't hindi ko nasisira ang buong pagkatao nya.

    • B. 

      Hindi sya nagtatae ng blade.

    • C. 

      Hindi nya ko nililibre sa Starbucks.

    • D. 

      Hangga't di sya nagsosorry. Madali naman akong magpatawad eh.

  • 20. 
    Kung bibigyan ka ng Fairy Godmother mo ng chance to turn back time, gugustuhin mo pa bang balikan ang nakaraan nyo ng ex mo?
    • A. 

      Opkors! Tapos irerekwes ko sa kanya na manatili na lang kami sa past at wag nang ibabalik pa sa present or future!

    • B. 

      Ayoko! Dahil ayoko nang makasama pa ang herodes na yun kahit pa sa second life!

    • C. 

      No need! Dahil happy na ako sa buhay ko sa piling ng mga boylets/girlets ko. Pero pwede na rin. Lamang-tyan din yan.

    • D. 

      Haller! 2006 na noh! Uso pa ba ang mga Fairy Godmothers!

Back to Top Back to top