Alam Mo Ba Ang Wika Mo? Isang Pagtatasa.

10 Questions | Total Attempts: 74

SettingsSettingsSettings
Please wait...
Alam Mo Ba Ang Wika Mo? Isang Pagtatasa.


Questions and Answers
  • 1. 
    Tumakbo ako ng makita ko sila. Tama ba ang paggamit ng "ng" dito?
    • A. 

      Tama

    • B. 

      Mali

  • 2. 
    Ano ang tawag sa wika ng mga Pilipino?
    • A. 

      Tagalog

    • B. 

      Pilipino

    • C. 

      Filipino

    • D. 

      Pinoy

  • 3. 
    Isagot sa patlang ang tamang paggamit ng "din" at "rin". Iinom na ____ ako mamaya ng milk tea.
  • 4. 
    Piliin ang mga tamang paggamit sa "daw" at "raw".
    • A. 

      Kakain daw mamaya si Robert ng alimango.

    • B. 

      Pupunta raw siya sa EDSA mamaya.

    • C. 

      Tatawagan rin kita sa telepono bukas.

    • D. 

      Magsusulat daw tayo ng sanaysay ukol sa Batas Militar.

    • E. 

      Bukas raw ang pasahan ng proyekto sa Agham.

  • 5. 
    Piliin ang mga may wastong gamit ng "kung" at "kapag"
    • A. 

      Pumunta tayo sa mall kung maaga na.

    • B. 

      Paano kapag huli na ang lahat?

    • C. 

      Paano kung huli na ang lahat?

    • D. 

      Umuuwi siya sa Cainta kung pasukan na.

    • E. 

      Pumunta tayo sa mall kapag maaga na.

    • F. 

      Umuuwi siya sa Cainta kapag pasukan na.

  • 6. 
    Kundi man tayo mapili para sa proyekto bukas, okay lang. Tama ba ang paggamit ng salitang "kundi" sa pangungusap na ito?
    • A. 

      Tama

    • B. 

      Mali

  • 7. 
    Ano pinagkaiba ng "kaganapan" sa "pangyayari"?
    • A. 

      "Kaganapan" ay tumutukoy sa pagkakumpleto, katuparan o kabuuan. "Pangyayari" naman ay tumutukoy sa okasyon.

    • B. 

      "Kaganapan" ay tumutukoy sa okasyon. "Pangyayari" naman ay tumutukoy sa pagkakumpleto, katuparan o kabuuan.

  • 8. 
    De-kalidad ang ginagawa nilang produkto. Tama ba na lagyan ng gitling ang salitang "de-kalidad"?
    • A. 

      Oo

    • B. 

      Hindi

  • 9. 
    Piliin ang mga may wastong gamit ng "kung" at "kong"
    • A. 

      Hindi ka makabayan kung hindi mo iaalay ang buhay mo para sa iyong bansa.

    • B. 

      Kong siya ay nariyan, tiyak ubos na ang pagkain.

    • C. 

      Ang bago kung kwaderno ay naiwan ko sa bahay mo.

    • D. 

      Pinili kong pumunta sa mall kaysa manatili sa bahay.

  • 10. 
    Ako ay kumain ng lugaw kanina. Tama ba ang pangungusap na ito?
    • A. 

      Oo, tama ang paggamit ng "ng"

    • B. 

      Hindi tugma ang paggamit ng "ng".

Back to Top Back to top